Para Hindi Mawala, Lagyan Mo Ng Mukha

Sa opisina man, sa school, o kahit sa bahay, minsan hindi maiiwasan mawala ang ating mga gamit. Ano ba ang madaling paraan para hindi mawala ang mga ito? Ngayon, hindi mo na kailangan lagyan ng pangalan isa-isa ang iyong mga gamit, mukha mo lang, sapat na! Kung shy-type ka like me, pwede rin ang mukha ng pet mo!

Ang mga gamit natin madalas ay sinusulatan natin ng pangalan gamit ang marker para hindi mawala ang mga ito. Pero may mga bagay na hindi naman natin pwede sulatan gaya ng gadgets—lalo na ang hindi natin kaya i-personalize tulad ng stylus/apple pencil, earphones/airpods/headset. Para hindi mawala ang mga ito, o di kaya para madali mo malaman na saiyo ito, lagyan mo ng label gamit ang personalized stickers! Kung hindi naman kalabisan, sana sa Marshmallow Street ka mag-order ha. haha

Ang mga maliliit na make-up gaya ng lipstick ay madali rin mawala o mapagpalit kung meron kang kaparehas sa opisina, school o kahit sa bahay. Para maiwasan ito mangyari, lagyan mo ng label gamit ang personalized stickers! Inuulit ko, sana sa Marshmallow Street ka bumili ha. hahaha

School at office supplies ang pinakamadali nakawin. Sa isang idlap, nakuha na ng kaklase o kaopisina mo. Para alam ng lahat na ang ginagamit nila ay saiyo, lagyan mo ng label gamit ang personalized stickers! Saan ka nga ulit bibili? hahaha

Sana nabigyan kayo ng idea na kahit anong maisip mo na dikitan ng stickers ay pupwede magmula sa school supplies, gadgets, make-up, utensils, books, mirror, remote control, at kung ano-ano pa. In short, lahat ng sa iyo, lagyan mo ng label para hindi ito mawala [bagay man o tao] 😉

PS: pwede mo rin i-try lagyan ng nakakatakot o galit mong mukha para matakot talaga ang gusto kumuha ng gamit mo!

Your Friendly Kapitbahay,
Lili

0
    0
    Your Cart
    Your cart is emptyReturn to Shop