Paano Ko Nagagamit Ang Marshmallow Street Ref Magnet

Normal na siguro sa ating mga Pilipino magkaroon ng maraming magnet sa ating mga ref. Paano ba naman, iyan ang hilig bilhin na souvenir ng ating mga nanay kapag nagbabakasyon sa ibang lugar o di kaya naman hilig ipang pasalubong ng ating mga tita kapag sila naman ang nagbakasyon.

Sa tingin ko ay mas maganda na mukha ng family members ang makita natin bilang ref magnets imbis na pagong magnet, prutas magnet, tsinelas magnet, at kung anu-ano pa.

Hindi lang ito gamit pang decorate kundi, mas maganda ito gamitin sa pag-personalize ng mga reminders na dinidikit din natin sa ref o di kaya sa whiteboard. Isang tingin mo lang, malalaman mo na agad kung may nakasulat para sa iyo kung may nakadikit na papel sa mukha mo~

Dahil ang tatay namin ang nagoggrocery para sa amin lalo ngayong panahon ng pandemic, mabisang paraan na idikit ang grocery list sa ref gamit ang kanyang ref magnet para hindi niya makalimutan ang mga nasa listahan.

Pwede rin ito sa personal notes or reminders na may due date;

O kahit pa susunod na schedule ng visit sa veterinarian ng pinakamamahal na bantay~

Daily reminders, contact numbers, due dates, bills, kahit pa quotes or bible verses na gusto niyo palagi makita o maalala, idikit niyo na sa inyong ref gamit ang Marshmallow Street ref magnets na ito! Pero tandaan: bukod sa family members, huwag niyo kalimutan isama ang mga alaga niyo! Baka magselos sila huhuhu T^T

Kaya naman ano pa ang hinihintay niyo? Palitan niyo na ang mga lumang ref magnets o di kaya dagdagan niyo ng mga bago kagaya nito! Saan kayo bibili? Beke nemen.. haha

Your friendly kapitbahay,

Lili

0
    0
    Your Cart
    Your cart is emptyReturn to Shop