Saan ko ba pwede magamit ang Marshmallow Street Sticker?

Hi mga kapitbahay sa Marshmallow Street! Oh di ba english all over ang website. Pagpasok sa blog, biglang jologs! haha. Gusto kong mas maipakilala ang tunay na kulay ng Marshmallow Street. More than its rainbow pastel colors, gusto kong magshare ngayon ng personal na bagay. Paano ko ba nagagamit ang sarili kong produkto sa pang-araw-araw na buhay?

 1. Phone Skin

Matagal ko ng nasasaloob ito na hindi ko pa nasheshare kahit kanino. Sabihan niyo na akong praning pero kapag talaga nawala ang iphone ko, ang iiyakan ko ay hindi iyong presyo ng iphone kundi ang laman nito. Andoon lahat ng notes ko sa buhay, lahat ng access sa emails ko, pati pagmonitor ng buwanang dalaw sa iphone ako nakadepende. So kapag lumalabas ako, naiimagine ko papaano kung sa hindi inaasahang pangyayari ay may dumukot ng iphone ko sa bag ko? Naisip ko lang na  kung mayroong iphone skin ang phone ko, malaki ang chance na hindi pa iyon agad matatanggal ng dumukot. Kahit sa napakaliit na chance, pwede ko pang mabawi ang phone ko. Iyan ang dahilan bakit gumagamit ako ng Phone Skin or ng Name Decal manlang ng Marshmallow Street. Walang halong echos to. Pwede talaga sa praning tong produkto namin haha.

2. Charger Skin

Itong charger ng iphone talaga namang napakadaling madumihan. Kahit anong ingat mo, magiging color gray talaga siya in the long run lalo na iyong cord. Isa sa dahilan bakit ako nagamit ng charger skin ay para sa kaartehan. Ang cute niya kasi. Ang pinakamagandang use niya sa akin ay hindi kami nagkakapalitan ng charger ng kapatid ko. For sure sa iisang bahay, pwedeng marami ang iphone users at pare-pareho ang itsura ng charger. Aminin ninyo nagbebase kayo sa kadumihan ng charger para malaman kung kanino ang charger. Kapag may charger skin ka, hindi na majajudge ang kadumihan ng charger mo.

3. Name Decals

Ito napakaraming pwede paggamitan. Sa bahay namin, pinakamahalaga ito sa pantry. Ang asawa ko hinalo sa karne ay baking soda imbis na asin dahil either wala siya sa sarili o wala kasing label ang mga lalagyan namin noon. Kapag may label, hindi na ako pwede masisi kasi ibig sabihin noon wala lang talaga siya sa sarili.

Ang chopping board namin ay dalawa. Isa para sa mga karneng hilaw at isa para sa mga gulay, prutas at iba pa na pwede nang kainin kahit hindi na lutuin. Identical ang chopping board namin. Noong walang label, nalalaman ko ang pagkakaiba nila sa dami ng gasgas. Kaso habang tumatagal, nalilito na ako kaya noong may label na, decal lang ang palatandaan namin kung ano ang para sa hilaw (H) at ano ang para sa luto (L) na chopping board. Maliit na bagay pero malaking tulong.

Sa mga bagay naman na ginagamit namin na maaaring ipinapahiram sa ibang tao, iyan ay hilig ko rin lagyan ng name decal para sigurado ako na hindi mapalitan. Tulad ito ng pocket mirror ko, tupperware kapag nagbibigay ka ng ulam, charger na hindi apple ang brand at marami pang iba. Kaya kapag may mga ipapahiram kayo na gamit, maganda lagyan ninyo ng sticker para hindi nila mapalitan.

4. Your Own Photo Sticker Sheet

Kaya ko naisip ang line ko sa website na “add a custom sticker to something and see the fun it will bring” ay dahil iyan ang naramdaman ko noong nagprint ako ng sticker ng mukha ko at mukha ng aso ko. Dinikitan ko ang susi ng kotse, laptop, pati elisi ng electric fan namin! Ang saya sa pakiramdam lang talaga promise. O baka ako lang? haha. Subukan ninyo para malaman ninyo kung totoo haha. Marami kayong pwede paggamitan ng face sticker sheet. Bigyan ko kayo ng idea. Pwede ito sa camera, sa speakers, monitor ng computer, sa picture frame, sa wall clock, school or office supplies, make up, sa button pin na plain, sa keychain at maraming marami pang iba. Sa gamit pang kusina like glass wares, plastic wares, water bottle, mug, baso, sa kaldero kung magpipicnic kayo kasama ibang pamilya at halos sa lahat pwede mo ito idikit haha! Sa wallet ng asawa niyo pwede rin! Imbis na wallet size picture, dikitan ninyo ng mukha ninyo ang mismong part na lalagyan ng picture nang sa ganoon makasigurado kayo na hindi niya pinapalitan o pinapatungan ng ibang picture ang litrato mo kapag hindi kayo magkasama.

 

Ayan nabigyan ko na kayo ng idea kung saan ninyo pwede gamitin ang Marshmallow Street Stickers ninyo ha. Sana maishare niyo rin sa akin kung saan ninyo nagagamit ang mga products namin. I would really love to see pictures kung saan ninyo pinagdidikit ang mga ito. Pinakagusto kong purpose ng pagbili ng produkto sa amin ay kapag gagamiting panregalo. Kaya sana sa mga okasyon sa buhay ninyo, maipanregalo niyo rin ang Marshmallow Street Stickers para masabi niyo rin na “add a custom sticker to something and see the fun it will bring!” Hanggang sa muli!

Your Marshmallow Street Kapitbahay,

Garita

0
    0
    Your Cart
    Your cart is emptyReturn to Shop