ARE YOU A KPOP STAN?

Katulad din ba kita?

Ang alarm sa umaga ay BTS (when I wake up In my room, room);

kumakain kasama ang TWICE (kapag masarap, mapapakanta ng more, more, more and more);

umiinom kasama ng EXO (it’s the love shot, nananananananana)

nag-aalaga ng TXT, este Cat&Dog (I just wanna be your dog, woof woof woof woof);

makikipag-usap sa telephone with SHINee (tuwing tutunog ang ring ding dong);

magrereklamo sa init ng panahon kasama ang ITZY (Icy but I’m on fire);

at matutulog at mananaginip muli kasama ang BTS (kahit pa no more dream).

 

Multi-fan man o hindi, basta Kpop stan, paniguradong magugustuhan niyo gumamit ng mga stickers! BLACK man o PINK o kahit anong kulay, pwede! (How you like that?)

Naging parte na nga ng aking pang-araw araw na buhay ang Kpop. Makita ko lang ang mukha nila, sumasaya na ako agad. Madalas nanunuod ako sa YouTube, minsan sa V-live, pero hindi pa nakuntento dahil sila din ang lockscreen ko pati laman ng camera roll. Pero alam niyo naman siguro ang nangyari ngayon sa kuryente, biglang tumaas ang singil. “Kaka-computer mo yan” sabi ng nanay ko! Kailangan na raw magtipid sa paggamit hindi lang ng internet kundi pati gadgets dahil ilang beses daw ako nagccharge araw-araw. Paano na ang aking mga oppa? Paano na ang aking happiness? Charot.

Nakahanap ako ng solusyon, dahil nga makita ko lang naman ang mukha nila eh sapat na para sumaya ako, dinikitan ko ng face stickers ang aking mga gamit!

Ngayong quarantine nakakatamad magpaganda. Para naman mamotivate ako at mapangiti narin ako habang nagsusuklay, dinikit ko ang face sticker ni BLACKPINK Lisa. Alam niyo namang hair goals siya, lalo na yung bangs niyang hindi nawawala sa pwesto!

 

Quarantine man o hindi, aminin niyo nakakatamad talaga magskin care! Pero yan ang isa sa mga secrets ng ating Kpop idols para maachieve ang clear skin. Kaya naman dinikitan ko rin ang aking skin care products para mainspire ako sa clear skin nila tuwing ginagamit ko ang mga ito.

 

Dinikit ko rin ang mukha ni BTS RM sa aking mga libro. Hindi lang ako gaganahan mag-aral, baka sakaling mabiyayaan din ako ng talino dahil sa IQ niyang 148! +Ang aking ultimate bias, BTS V sa aking mga ballpen hehe~

 

Malapit na rin ang tag-ulan. Alam niyo yung kapag bibili ka sa fast food, kailangan iwanan sa may pinto ang payong. Minsan (o madalas) mananakaw pa yung sa’yo. Hindi naman pwedeng hindi ka nalang magdala. Kaya para hindi ka magmukhang basang sisiw, lagyan mo ng face sticker ni TXT Hueningkai!

Pero paalala na huwag muna kayo lalabas kung hindi naman kailangan para makaiwas sa COVID-19!!!

 

Isa ko pang problema ngayong quaratine eh nakakatamad din magplano ng gagawin mo araw araw. Lalo na ngayong simula na ng online classes. Sa tingin ko makaka-motivate sa pag-update ng aking daily planner o bullet journal ang mga face stickers.

 

Gamitin ang face sticker ng iyong mga paboritong kpop idol at idikit ito sa kanilang mga birthdays o kahit anong special event para mapangiti ka nila, at the same time, maalala mo ring you still have a life aside from your fangirl life~

 

Totoo man na kailangan natin palagi humarap sa ating mga gadgets at magbukas ng social media accounts para makita o mapanuod ang ating mga paboritong Kpop idols, mayroon pa ring ibang paraan para makita natin sila lagi at magbigay ng simpleng ngiti sa atin. Hindi mo kailangan maging magaling sa art para gumamit ng mga stickers. Pero alam ko sa panahon ngayon, napakarami ring fangirls at fanboys na biniyayaan ng creativity! Kung gayon, ang mga stickers na ito ay pwede niyo rin idikit sa inyong mga lightsticks, albums, at kahit anong official merch para i-personalize~

 

Kamsahamnida mga chingu!!

Your fangirl kapitbahay,

Lili

 

0
    0
    Your Cart
    Your cart is emptyReturn to Shop